Saturday, February 7, 2009

Isang Praymer [http://s1.travian.ph/allianz.php]


1. Ang Order of Aviz ay di kilalang alyansa bilang mga agressor. Mas kilala sila bilang mapayapang kabalyero.

2. Hindi sila umaatake kung di inaargabyado.

3.Katangian ng mga kasapi ang pagkakaroon ng mahusay na diplomasya.

4. Kahuli-hulihang opsyon ng alyansa ang pakikidigma. Gagawin lamang ito kung may pagmamalabis at hindi patas na pagtrato mula sa ibang alyansa.

5. Ang bigat ng pagpataw ng pakikidigma ay nakabatay sa Council of Aviz. Nakabatay ang pagpataw batay sa bigat ng nilikhang agresyon at pagmamalabis.

6. Ang mga simpleng alitan mula sa ka-alyadong kasapi at di-kasapi ay hindi sakop ng Council.
Ibinibigay ang buong tiwala ng alyansa na ang bawat manlalarong kasapi ay may sapat na pag-iisip upang makipag-ayos, gamit ang salitang "diplomasya".

7. Kung hindi ito maayos ng kasapi lalo't higit napagtimbang ng Council ang kasapi ang may pagkukulang o pagmamalabis, ipapataw ng Council ang pinakamataas na parusang 'pagpapatalsik' dahil sa paglalagay sa kapahamakan ng buong kasapi ng alyansa.

No comments:

Post a Comment