Saturday, February 28, 2009

200 Population: Extended

Malugod na ipinahahayag sa lahat na ang nakatakdang araw para sa pagpapatalsik ay ipinapagpaliban. Bibigyan pa ng 5 araw na palugit mula ngayon (3/01/09).

Galaw-galaw baka ma-stroke.

Itinakdang araw: 3/06/09

Kaugnay nito, isang batas ang inihain ni Knight Commander loyal69 tungkol sa red button. Ayon sa batas na ito, ang sinumang kasaping kakikitaan ng red button ay agaran o awtomatikong papatawan ng kaparusahang pagpapatalsik.

Responsibilidad ng lahat na bisitahin ang kanilang baryo para masiguradong gumagalaw ang ating kabuuang populasyon.

Hindi parking lot ang Order of Aviz.

Ipinagtitibay ang batas na ito ngayong ika-1 ng Marso, 2009. Kikilalanin ang batas na ito bilang Loyal69 Legacy Red Button Law.

No comments:

Post a Comment