Thursday, February 19, 2009

Ang Knights at Embassy



Mahalaga ang papel na ginagampanan ng embahada sa ating alyansa. Ito ang responsable sa pagpapataas ng mga kasaping knights. Dangan lang na sa bawat pagpapataas ng kasapi, kinakailangan ring itaas ang antas nito.


Sa kasalukuyan ang antas ng embahada natin ay nasa antas 8 at may kakayanan itong magtalaga ng hanggang 24 na knights. Kung titingnan, puno na tayo at kumpleto dahil sa oras na ito, mayroon na tayong 24 na opisyal na kasapi.


May dalawa tayong pagpipilian ang huminto na sa pangangalap o ang magpataas pa ng antas para mas lalong lumakas at kilalanin ng Order of Aviz.


Narito ang ilang gabay sa pagpapataas ng antas, rekwisitong kayamanan at bilang ng miyembro. (i-click lang ang link)

No comments:

Post a Comment